Tungkol sa Mga Ad ng App

Ipakita ang iyong app sa mga tamang tao.

Ang mga ad ng app ay simpleng paraan upang i-promote ang iyong app sa mga user ng iOS o Android sa Google – walang kinakailangang karanasan sa pag-advertise.

Magsimula ngayon
mga adventure game

Isang pagpapakilala sa mga ad ng app.

1

Gumawa at mag-customize.

Upang magsimula, i-type lang ang ad text na gusto mo at ang iyong lokasyon. Magdidisenyo at gagawa ang Google ng mga custom na ad ng app para sa iyo, at bibigyang-daan ka nitong magpakita ng maraming disenyo sa buong Google network. Hindi mo rin kailangang mag-alala – maaari kang gumawa ng mga pagbabago sa ibang pagkakataon.

2

Itakda ang iyong pang-araw-araw na badyet.

Magtakda ng cost-per-install (ang halagang handa mong bayaran para sa bawat pag-install ng iyong app), at tutulong ang aming mga engine sa paggawa ng ad at pag-bid na mapahusay ang performance ng iyong campaign, nang pasok sa badyet mo.

3

Humanap ng mga user na may mataas na kalidad.

Ipaalam sa amin kung aling mga pagkilos ang gusto mong isagawa ng mga user sa iyong app, at ipapakita namin ang ad mo sa mga taong malamang na makakakumpleto sa mga iyon.

Palawakin nang lubos ang iyong abot.

Pagkatapos ng isang simpleng proseso ng pag-set up, magiging kwalipikado ang iyong ad na abutin ang mahigit isang bilyong tao sa buong network ng Google, kabilang ang Google Search, Google Play, YouTube at libu-libo pang mobile site at app.

Makakuha ng higit na halaga mula sa bawat ad.

Upang ma-maximize ang potensyal ng iyong campaign, sinusubukan ng Google ang bawat ad sa iyong account at awtomatiko nitong pino-promote ang mga disenyong may pinakamahusay na performance. Nag-o-optimize din kami batay sa mga uri ng mga user na gusto mong mahanap – kaya, kung ang iyong app ay isang multi-level na laro, isasaalang-alang namin ang iba pang mga larong nilaro ng mga user at ita-target namin ang mga taong malamang na aabot sa level 5 o mas mataas.