Mahanap sa Google agad-agad.

Lumalabas ang mga Search ad sa tabi ng mga resulta ng paghahanap sa Google kapag hinanap ng mga tao ang mga produkto at serbisyong iniaalok mo. At, magbabayad ka lang kapag nag-click ang mga tao upang bisitahin ang iyong website o tawagan ang iyong negosyo.

Mga Search Campaign

1

Gawin ang iyong search ad.

Maaaring tumagal lang nang ilang minuto ang pagbuo sa una mong search ad. Magsimula sa pamamagitan ng pagsusulat ng ad na nagsasabi sa mga customer kung ano ang iniaalok mo.

2

Hanapin ang iyong mga customer gamit ang mga keyword.

Pagkatapos, piliin ang mga keyword na maaaring hanapin ng mga potensyal na customer sa Google upang makita ang iyong negosyo.

3

Itakda ang badyet ng iyong mga search ad.

Magtakda ng pang-araw-araw na badyet, at handa nang maging live ang iyong ad.

Paano nakikita ng mga tao ang iyong ad.

Sa mga PC, tablet at smartphone, kung tumugma sa iyong mga keyword ang mga salitang na-type ng mga tao sa Google, maaaring lumabas ang ad mo sa itaas ng mga resulta ng paghahanap.
Magbabayad ka lang kapag nag-click ang mga tao — upang puntahan ang iyong website o kaya ay tawagan ang negosyo mo. Sa milyun-milyong paghahanap bawat araw sa Google, makatitiyak kang papansinin ng mga customer mo ang iyong brand, isasaalang-alang nila ang mga alok mo, at gagawa sila ng pagkilos.

pottery na gawang-kamay

Pottery ni Paul - Magagandang Gawang-Kamay na Ceramic

Ad example-business.com

Magagandang plorera, mangkok at iba pa. Mamili sa aming gallery o online.

Magsukat, matuto at lumago.

Kapag gumagana na ang iyong mga ad, makakakuha ka ng mga ulat upang malaman kung paano nagpe-perform ang mga iyon — at makakagawa ka ng mga pagsasaayos anumang oras. Makakagawa ka rin ng iba't ibang ad upang malaman kung alin-alin ang may pinakamahuhusay na performance.