I-broadcast ang iyong kwento.

Ipinapakita lang ang mga video ad sa mga taong gusto mo at magbabayad ka lang kapag nanood sila. Sa madaling salita, hindi ka mag-aaksaya ng pera sa pag-advertise sa mga taong hindi interesado sa iyong negosyo.

Magsimula ngayon

Isang preview ng mga video ad.

1

Gawing live ang iyong ad.

Kapag tapos ka nang gumawa ng video, kailangan mo lang na mag-set up ng YouTube account at i-upload ito. Pagkatapos, magagamit mo ang AdWords upang simulan ang iyong campaign sa YouTube. Lalabas ang iyong video bago o pagkatapos ng mga nauugnay na video o sa mga resulta ng paghahanap.

2

Piliin kung saan lalabas ang iyong ad.

Nagta-target ka man ng mga tagahanga sa sports, mahihilig sa musika o iba pa, mapipili mo ang iyong audience batay sa edad, kasarian, lokasyon, mga interes at higit pa.

3

Pagpasyahan kung magkano ang gusto mong gastusin.

Itakda ang iyong badyet at gamitin ang tool ng Analytics ng YouTube upang alamin kung ano ang epektibo.

Piliin ang gusto mong customer.

Naaabot ng YouTube ang mas marami sa mga taong may edad 18-49 kaysa sa kahit na anong cable network sa U.S. At dahil sa mahigit sa isang bilyong user nito, mapipili mo ang audience na gusto mo batay sa edad, kasarian, lokasyon, mga interes at higit pa. Isa pa, magbabayad ka lang kapag nakipag-ugnayan sila sa iyong ad. Kung lalaktawan nila ito bago mag-30 segundo (o bago dumating sa dulo), wala kang babayarang kahit isang kusing.

Tingnan kung ano ang epektibo.

Gamitin ang tool ng Analytics ng YouTube upang maunawaan kung sino ang mga nanonood ng iyong mga ad at kung paano sila nakikipag-ugnayan sa mga iyon. May ganap kang kontrol sa pang-araw-araw mong badyet, kaya magagastos mo ang kumportable mong gastusin.