Abutin ang mga tamang customer gamit
ang mga tamang keyword.

Kumuha ng mga ideya sa keyword upang tumulong sa pagbuo sa iyong mga campaign gamit ang Keyword Planner ng AdWords.

Simulan ang paggamit ng Keyword Planner

“Nagagawa naming subaybayan ang mga trend sa keyword upang pinuhin ang mga search campaign at matiyak na nananatiling nauugnay ang content.”
Brad Beiter - VP Performance Content, Performics

Paano ito gumagana

Tumuklas ng bagong mga keyword.

Magsimula sa pamamagitan ng paghahanap ng mga salita o parirala na nauugnay sa iyong mga produkto o serbisyo. Gumagana ang Keyword Planner upang hanapin ang mga keyword na pinakanauugnay sa iyong negosyo, na maaari mong piliing idagdag sa iyong plano.

Pagkumparahin ang mga trend sa mga keyword.

Kumuha ng mga iminumungkahing pagtatantya ng bid at alamin kung gaano kadalas hinahanap ang mga keyword at kung paano nagbabago ang dami ng paghahanap sa mga iyon sa paglipas ng panahon. Sa ganoong paraan, mapapaikli mo ang iyong listahan ng keyword at maitatakda mo ang iyong badyet para sa mga keyword na talagang gusto mo.

Gawin at ibahagi ang iyong plano.

Kapag may plano ka nang gusto mo, mase-save mo ito sa iyong account o maibabahagi mo ang iyong plano sa iba. Pagkatapos, makakagawa ka ng mga ad group at makakapagtakda ka ng mga bid para sa bawat keyword bago i-on ang iyong campaign.

Simulan ang pagpili ng mas mahuhusay na keyword.

Gumawa ng plano upang malaman kung paano ka makakakuha ng mas mahuhusay na keyword sa pinakasulit na presyong posible.

SIMULAN ANG PAGGAMIT SA KEYWORD PLANNER