Abutin ang mga customer sa web at sa mga app — sa lahat ng device.

Lumalabas ang mga AdWords display ad sa mahigit dalawang milyong website at sa mahigit 650,000 app, kaya lalabas ang iyong ad sa kung nasaan man ang iyong audience.

Hindi lang isa ang paraan ng pagpapakita.

Text

Tulad ng isang ad sa Google Search, ang mga display ad ay may isang headline, dalawang linya ng text at isang URL.

Gmail

Magpakita ng mga custom na ad sa Gmail upang ma-save, maipasa at mapalawak ng mga tao ang iyong ad sa kanilang inbox.

Banner

Gamit ang mga larawan o rich media, nagbibigay-daan sa iyo ang mga ad na ito na maglagay ng mga naka-customize na layout, interactive na elemento, animation at higit pa.

App

Gumawa ng campaign na nagta-target sa mga partikular na kategorya ng mobile app, o subaybayan ang performance ng mga in-app na ad na pinapagana mo na.

Pagpapaliwanag tungkol sa mga display ad.

1

Pumili ng format at gawin ang iyong ad.

Gumagawa ka man ng mga simpleng text ad o gumagamit ng mga larawan, na kasama ang ad gallery sa iyong account, tatagal lang ito nang ilang minuto.

2

Pagpasyahan kung saan pagaganahin ang iyong mga ad.

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga display ad na gumawa ng mga campaign na lubos na naka-target batay sa kung ano ang alam mo tungkol sa iyong mga customer, gaya ng mga interes o demograpiko.

3

Itakda ang iyong badyet.

Pagpasyahan kung magkano ang gusto mong gastusin upang maabot ang iyong target na audience, at simulan ang pagpapakita sa iyong mga ad sa mga taong pinakamaganda ang pagtanggap.

Abutin ang mga tamang customer.

Sa pamamagitan ng milyun-milyong website, page ng balita, blog at website ng Google tulad ng Gmail at YouTube, naaabot ng Google Display Network ang 90% ng mga user ng Internet sa buong mundo. Gamit ang mga partikular na opsyon para sa pag-target, mga keyword, mga demograpiko at remarketing, mahihikayat mo ang mga customer na pansinin ang iyong brand, isaalang-alang ang iyong mga alok at kumilos.

Huwag huminto sa pagpapahusay.

Sukatin ang mga resulta ng iyong mga ad at alamin kung aling mga audience ang pinakamaganda ang pagtanggap. Nagpaplano ka mang pataasin ang mga benta o makatanggap ng mas maraming tawag, tinutulungan ka ng AdWords na sukatin ang performance ng campaign upang makagawa ka ng mga pagsasaayos at maabot mo ang iyong mga layunin.