Ang lahat ng iyong AdWords account sa iisang lugar.

Subaybayan at pamahalaan ang lahat ng iyong AdWords account mula sa iisang dashboard. Makatipid ng oras sa pamamagitan ng cross-account na pamamahala at pag-uulat sa campaign, kontrol sa access at pinagsama-samang pagsingil.

Magsimula ngayon
scroll icon
“Salamat sa bagong view na mga campaign sa aming manager account, napapamahalaan at nao-optimize na namin ang lahat ng aming campaign mula sa iisang view.”
Jeremy Legrand, Head of SEM, Kaymu

PAANO ITO GUMAGANA

I-access ang iyong mga account agad-agad.

clock icon

Makatipid ng oras sa iisang pag-login.

Sa pamamagitan ng iyong manager account (dating My Client Center o MCC), mali-link mo ang lahat ng AdWords account na iyong pinamamahalaan at maa-access ang mga iyon sa iisang pag-login. Hindi na kailangang humiling ng password upang mag-link ng account — humiling lang ng pahintulot.

visibility icon

Tingnan ang lahat ng iyong account nang sabay-sabay.

Mamahala ng mga indibidwal na account at campaign o tingnan ang lahat ng iyon nang sabay-sabay. Gumamit ng mga label ng account upang isaayos ang mga account, gumawa ng mga naka-automate na panuntunan at magtakda ng mga alerto at notification sa email. Makakagawa ka rin agad ng pagkilos sa pamamagitan ng pag-update sa mga pang-araw-araw na badyet at pag-enable o pag-pause sa iyong mga campaign sa lahat ng account.

access icon

Magbigay ng access at kontrol.

Ginawa ang mga manager account nang isinasaalang-alang ang mas malalaking pangangailangang pang-organisasyon. Gumawa ng mga naka-nest na sub-manager account upang magbahagi ng access sa iba pang mga manager, magbigay ng bagong access at kontrolin ang antas ng access kung sakaling magbabago ang tungkulin ng isang tao.

MATUTO PA

Gumawa ng mga ulat na puno ng insight

Alamin kung ano ang epektibo. Ayusin ang hindi.

checkboard icon

Subaybayan ang performance at magbahagi ng mga ulat.

Mabilis na ikumpara ang performance sa lahat ng account at magpatakbo ng mga ulat para sa kahit na ano mula sa performance ng keyword hanggang sa pag-uulat sa mga dimensyon. Maisasaayos mo rin ang iyong mga setting upang awtomatikong bumuo at mag-email ng mga ulat nang regular.

graphline icon

Mag-set up ng cross-account na pagsubaybay sa conversion.

Sumubaybay ng mga conversion sa maraming AdWords account gamit ang iisang snippet ng code ng conversion. Nagbibigay-daan ito sa iyong gumawa ng mga mas simple at mas mahuhusay na ulat, sumubaybay ng mga keyword, magbawas ng mga maling pagbilang at gawing mas mabilis ang iyong website.

Pagsama-samahin ang iyong pagsingil

Padaliin ang pagsingil.

thanks icon

Gawing mas naka-streamline ang pagsingil.

Ang pinagsama-samang pagsingil ay isang simpleng paraan para sa mga ahensya, reseller at malalaking advertiser na pagsama-samahin sa iisang buwanang invoice ang mga invoice para sa iba't ibang account. Kung ipinapasa mo sa iyong mga kliyente ang mga gastusin sa paghahatid ng ad, magbibigay kami ng buwanang ulat sa gastusin, na nagpapakita ng aktibidad para sa bawat AdWords account.

graphbar box icon

Manatiling nakatutok sa mga badyet.

Makakuha ng mga update sa badyet para sa lahat ng pinamamahalaan mong account at subaybayan nang madali kung aling account ang sinisingil sa pamamagitan ng iyong dashboard ng manager account. Ipinapakita sa tab na “Badyet” ang may kaugnayang impormasyon sa pagsingil upang matulungan kang subaybayan ang paggastos para sa lahat ng iyong pinamamahalaang account.

Magsimula.

Mag-set up ng mga manager account at i-streamline ang lahat ng iyong campaign.

Magsimula ngayon